Regular dapat ginagawa ang ehersisyo sapagkat walang ibang gamot na kayang kumitil sa benepisyong dulot nito. Hinihikayat ko hindi lamang ang mga manlalaro kundi ang mamamayang Filipino na ugaliin ang pag-e-exercise sapagkat importante ito lalo sa panahon ng pandemya.
Ngayong kinakaharap ng buong mundo ang sakit na dulot ng coronavirus, napakahalagang patatagin natin ang ating immune system. Sa ehersisyo gumaganda ang daloy ng oxygen at nutrients sa katawan. Sa paraang ito, nasusuplayan ng kinakailangang fuel ang cells na lumalaban sa mga bacteria at viruses. Gumaganda rin ang tulog kapag nakakapag-ehersisyo. Lagi pa ring mainam para sa katawan ang maayos na pahinga dahil kapag husto ang tulog, gumaganda ang kabuuang kalusugan natin. Gumaganda ang mood at nababawasan ang stress kapag regular tayong nag-eehersisyo dahil nare-release ang endorphins na siyang nagpapagaan ng ating pakiramdam at nagpapakalma ng isipan.
essay ehersisyo
2ff7e9595c
Comments